game

All posts tagged game

Candy Crush

Published April 13, 2013 by angelivillegas

20130413-000218.jpg

Candy Crush.

Parang buhay ng tao. Kailangang magtulungan para matapos ang isang bagay, ang isang misyon.
Sino nga bang mag-aakala na isa lamang itong simpleng laro? Parang buhay ng tao. Hindi ka makakausad kung hindi ka gagawa ng paraan para maging maayos ang buhay mo.
Hindi maaaring titigan lang ang isang bagay tapos maghahangad ka ng magandang resulta. Kailangang paghirapan mo ang isang bagay bago mo ito makuha. Kailangang dumaan sa mga pagsubok para masubukan ang lakas ng loob at tiwala sa nakakataas.

Paano mararamdaman ang ligaya kung hindi ka dadaan sa mga pagsubok? Parang candy crush lang β€˜yan. Kung titignan mo akala mo madaling tapusin. Kailangang dumaan ka sa mga matinding pagsubok bago matapos ang isang level. At pag natapos mo ng mabilis, swerte mo. Ikaw na πŸ™‚ Parang sa tunay na buhay, may sineswerte at may hindi rin pinapalad ng ganung kabilis.

Masayang mabuhay, lalo na’t alam mong may mga gagabay sayo. Kailangang gumawa ka lang ng tamang hakbang para maging maganda ang kalabasan. Sa tamang daan kumbaga. May mga ilang pagkakataon lang tayo para magawa β€˜yon. Hindi naman unlimited ang buhay natin di ba? Parang sa larong ito. Bibigyan ka lang ng ilang moves sa bawat level at nasasayo na yun kung paano mo magagamit ang tamang diskarte. Sa tunay na buhay? Ganun din. Tamang diskarte ang dapat gawin at hindi sa marahas na paraan.

Maihahalintulad din ito sa buhay ng tao. Hindi ka uusad kung walang tulong ng iba. Pagbibigay ng ticket at life? Mahirap yun kung walang ibang naglalaro nito. At ang masaklap lang dyan eh yung alam na nga na kailangan mo ng tulong, kahit kaya eh hindi ginagawa para lang hindi sila maungusan.

Di ba parang sa totoong buhay lang? Alam mo ba yung crab mentality na tinatawag? β€˜Yan yung namumuo ang inggit sa katawan at ayaw nakakakita ng nakakaangat sa kanya. Eh di ba laro lang ito pero bakit ganun? Ayun na nga, sa laro nagagawang maisapuso ang crab mentality sa tunay na buhay pa kaya?

Tawanan na lang natin silang ganyan mag-isip. Basta gawin natin ang kaya natin ng walang natatapakan – matutulog at gigising tayo ng mapayapa. πŸ™‚

** At nagawa ko ito ng dahil sa ilang araw nako sa level 65. Hahaha πŸ™‚ pasensya na. Wala lang β€˜yan. πŸ˜€

Advertisements