Archives

All posts for the month April, 2013

Love Story :)

Published April 20, 2013 by angelivillegas
Just wanted to share a love story to you guys 🙂 Galing ‘toh sa tumblr account ko [http://angelivillegas.tumblr.com] April 26,2012 ko naisulat. [oha, sikat na writer – tunog sikat. haha]
You are my soul mate, my sweetheart, you are my dream come true, from now until the end of time I give my heart and soul to you.

april 26, 2012 – 6am. kusang nagtype ang mga daliri ko para sa title nito, yan ang nabuo ❤

ewan ko. di ko alam kung bakit di pa ako inaantok at naisipan magtype ng magtype ng kung ano-ano lang. . bihira ako magpost ng personal things dito, pero dahil walang wala, as in walang antok na nararamdaman at walang magawa,  kung ano na lang maisip ko yun na lang itatype ko. . at dahil wala na akong maisip tapusin ko nato. ktnxbye!

syempre kunwari tapos na para di ka na tamarin magbasa 🙂 LOL. gutom ata ako? ewan ko lang, siguro kathang isip ko lang na nagugutom ako para lang may masabi. . wala naman akong makausap dito, tulog pa lahat, kahit baby muffin ko tulog din. . wala talaga ako ibang magagawa kundi isipin na lang ng isipin siguro si Janiboy! haha :))pasweet epek lang 😀 pero totoo nga, naiisip ko din naman sya ngayon. . mabuti pa SYA na lang ang maging topic dito, ipapaalam ko sa inyong lahat kung gaano ako kaPROUD na may Janiboy ako :))

unang una, mahal ko talaga sya. . ewan ko. . sa lahat, iba talaga sya. . ang bilis ng mga pangyayari. . di ko alam. . pano kami nagkakilala? ewan din. di ko na matandaan. .alam ko nung nasa NCO pa ako, kilala nya nako. . sino ba naman kasi ang di makakakilala sa head turner na kagaya ko (“pretty and sexy” — as how people describe me, feelingera lang? hihi. . 🙂 *except for my haters of course* LOL. ) hehe. .

sa facebook? ata. inadd nya ko. . di ko kilala pero inaccept ko since madami common friends na taga NCO, so di naman sya siguro harmful. .so ayun. . mahilig ako magupdate ng status sa facebook, mostly sa notifications ko andun name nya. . mahilig sya maglike. . siguro dahil LIKE nya ako? haha. .feelingera uli ako. 😀 tapos ayun, nagkocomment sa ibang pictures na pinopost ko. . hanggang sa nagkausap na kami sa chat. . nanghingi ng number. . syempre binigay ko,PERO! kulang ng isang number sa dulo. . 🙂 swerte nya nga isa lang huhulaan nya, usually last 2 digits di ko binibigay :)) ang number kasi pinaghihirapan yan kunin, di basta basta binibigay :)) (nagmamaganda kasi ako uli :D)

hanggang sa nagtext na nga sya, (syempre hinintay ko talaga, wag nako magdeny na di ako nagantay ng text nya, LOL). . simula nun di na natigil ang pagtetext namin. . hanggang sa AS IN araw-araw na kami nagkakausap sa text. .kahit nasa work kami, magkatext pa rin at nagkakausap pa rin dahil sa webmail 🙂 mga kung ano-anong bagay na pinaguusapan, syempre natanong ko kung may girlfriend sya, syempre diba baka makatanggap ako ng death threats bigla. . haha 🙂 sinabi nya naman na wala. . edi ok. . text lang, nung una plain and simple exchange of text messages lang. . until biglang everyday ata nagkakabatuhan ng cheesy pick up lines. . haha :)) ang kulit lang, talagang halos sabay na kami natutulog dahil nga laging magkatext, one time tumawag sya. . bumili ata sya ng sisig nun? ewan. oo ata. .basta. . ung boses nya, ang sarap pakinggan 🙂 haha… *kilignanaman* simula nun, parang gusto ko na lagi marinig boses nya, pero syempre di ko sinabi sakanya yun. . 😀
syempre di rin maiiwasan mapagusapan ang mga tungkol sa EX 🙂 di ko alam na almost 2 months pa lang ng makipaghiwalay sya sa dati nyang gf. . di nya na daw kasi mahal? basta. di nako nagtanong pa, kasi waley naman ako pakielam. 😛 *HEY! BEEP BEEP! wala po akong sinirang relationship, nagbreak na sila bago pa kami magkakilala, so malinis po ang relationship namin 🙂 * nililinaw lang po, kasi lumalabas na kami sige pa rin sa paghahabol si girlash. . 😛 enough na, baka madaanan nya sabihin sinisiraan ko pa. . *HELLO nga pala, :))*
UNANG PAGKIKITA. pumunta dito sa bahay. .at napakagaling na nahanap nya ang bahay namin. . at mas maaga sa napagusapang oras (nagpapaimpress daw kasi sya, well until now di naman nabreak yun:)) malakas loob noh? hehe. .. mahiyaan pa daw sya ng lagay na yan, nakipark ng motor dun sa garage at may request pa na sa loob ilagay ang helmet. . o diba nahihiya nga 🙂 hahaha. . LOL. . pinakilala ko na rin sa kanya ang baby muffin ko, since gusto nya na rin naman makita 🙂 sa Qizia cafe dapat kami kakaen, e dahil super daming tao. . sa mcdonald’s malapit sa sportscenter na lang kami kumain 🙂 medyo nagkakailangan, di makatingin sa isa’t isa. . ang tagal namin dun, as in nakatambay lang after kumain. . tapos umuwi na, madaling araw na ata yun? hehe. . hanggang sa naulit ng naulit ung paglabas namin. .laging fudtrip na inaabot ng madaling araw o kinabukasan na uuwi. . kaya super i gained weight na talaga 🙂 (keri lang, di naman kabawasan sa kagandahan ko) hehe. . nagroadtrip din, meron kasi syang motor na kapansin pansin ang tunog ng tambutso. . hehe. . naalala ko din ung time na gusto nya nakayakap ako sa kanya habang nakasakay sa motor, sa balikat nya lang kasi ako nakahawak nung una 🙂 *salamat sobra sa helmet na binili mo para saken, mahal pero binili mo pa rin para safe tayong dalawa :)* sobrang natouch ako dun 🙂
 
UNANG DATE — SA MALL. sa SM Masinag yun. . nagshopping muna sya sa converse  bago kami umalis, un naman kasi ang trip nya, ang bumili lagi kada may sale. . pinilit ko sya suotin ang bagong sapatos na binili nya gusto ko kasi makita, 🙂 sumunod naman sya. . salamat 🙂 hehe. . pagdating ng SM may nakakita pala samin na common friend namin, di nya na kami tinawag. . ewan ko. . trip nya eh? hehe. . dun nya dinfirst time hinawakan ang kamay ko 🙂 holding hands while walking kumbaga 🙂 ang sweet lang :))
UNANG ARAW NA SINABI NYA ANG MGA SALITANG “I LOVE YOU”. . hindi ako naniniwala syempre. . ang bilis ng mga pangyayari eh. . tsaka kakabreak nya lang sa dati nya so sino ang maniniwala diba? tapos nakakaloko pa ang mukha nya. . haha 🙂 alam nya yan. sinabi ko yan skanya. 😀 PERO pinatunayan nya yun, hindi sya tumigil hanggang sa naniwala na ako 🙂 ang sarap nya lang magmahal, ang swerte ko sakanya 🙂 sobrang bait, maalaga, mabait, maalaga, mabait, maalaga. . yun lang. tamad kasi eh. . haha 🙂 JK.
 
 
NANG IPAKILALA NYA AKO SA PARENTS NYA. syempre di ako prepared tsaka kinakabahan ako. . normal naman yun diba. . di ko makakalimutan ang suot ko ng una ko makilala parents nya, ang sexy ko lang talaga. haha 🙂 sige na maniwala ka na, sinabi din naman nila yun 😛 grabeng interrogation din ang ginawa ng mama nya. . haha 🙂 nakakatuwa lang, within 1 day (oo 1 day lang, kumbaga sa pagaapply 1 day process lang, haha!) ang dami nya na alam tungkol sa family ko na naikwento na agad sa Papa nya. . at syempre pumasa naman ako. . 😛 sobrang bait ng parents nya sakensobrang welcome ang pinaramdam nila saken. ang dami lagi kwento ng Mama at Papa nya. ako pa ata ung mas nagiging anak nila kesa kay Janiboy. hehe :)) salamat kay Papa na di nakakalimot magbigay ng mangga :)) hehe. . salamat din po sa Jacket, bagay na bagay saken 🙂 pakibigyan din po si Janiboy, naiinggit kasi wala pa daw kayo nabigay na jacket sa kanya 😛 hehe. .at kay Mama na nagbigay ng accessories 🙂 basta. ang sarap maging part ng family nya, sobrang welcome ako talaga 🙂 maswerte talaga ako sa kanya at sa magiging family in-law ko. . ❤
MATAGAL NA DI PAGKIKITA. halos 1 week ako nasa ibang bansa para magcelebrate ng birthday ko. . medyo sad kasi syempre iba pa rin ung kasama sya magcelebrate ng birthday ko. . pareho kaming november ipinanganak kaya match talaga kami, (maiconnect lang :P)  pero keri lang atleast nung birthday nya andito pa ako,nakapag bonding at celebrate kami ng birthday nya 🙂 sobrang sweet lang ng mga text nya kahit di ako makareply sa lahat ng text nya ( ang mahal kasi magtext pag nkaroaming, haha!) di lahat ng text nya narereplyan ko. . 🙂 basta, ung pagmamahal, ngiti, at feeling na napapasaya nya ko ramdam ko pa din 🙂 at pagbalik ko, sinorpresa ko sya ng dalaw sa opis nya 🙂 medyo nasira ko din ung surprise nya na pagbigay ng flowers at stuff toy, akala nya di ako magigising ng maaga kasi sobrang late na ung flight ko pauwi at pagod ako kaya balak nya nalang ako dalawin dito sa bahay dala ang mga yun. . at dahil sa sobrang miss ko na rin sya pumunta ako sa NCO ng walang sabi sabi kagad 🙂 ikaw ba iisipin mo pa yung pagod kapag sobrang excited ka na makita mahal mo? 🙂 achecheche :)) ang sarap sarap ng mga yakap nya, ramdam mo talaga ung sobrang pagkamiss nya saken :))
 
UNANG AWAY. haha. . dito lumabas ang pagka-crybaby ni Janiboy 🙂 ang sarap lang din nya manuyo. . effort kung effort talaga 🙂 nasabi ko na ayoko na ( e nakainom na kasi ako, pasensya naman 😛 ) basta, yun na yun. . di ko na ikkwento buong detalye. . basta hindi na kami… . HINDI NA KAMI MAGHIHIWALAY 🙂 salamat sa pagintindi sa pagkaBRAT ko 🙂 alam mo naman na kung paano un ihandle diba? hehe. . basta. . mahal kita, sobra. . ramdam mo un, wag ka magdeny 🙂 hehe. . 😛
OUT OF TOWN TRIP. FONTANA LEISURE PARK, EK AT BAGUIO. ayan pa lang ang malayong lugar na napuntahan namin 🙂 mahilig kasi ako magout of town. . as in! gusto ko sya isama sa lahat ng experience at memories na ittreasure ko. . oo, maraming memories pa ang gagawin namin 🙂 masarap mag out of town lalo na pag mahal mo ang kasama mo, basta. masaya ako kay Janiboy ko. . SOBRA! 
madami pa, as in madami pa ako maipagmamalaki tungkol sa kanya. .di ko alam kung anong meron sya at bakit sobrang adik ako kay Janiboy ko, basta. ang hirap iexplain. .
 
SOBRANG SWERTE TALAGA AKO SA KANYA. salamat sa pagsama sa pagpupuyat, kasiyahan, kaadikan, pagod, pagkabored, pudtrip. .basta lahat! pinaparamdam mo talaga kung ano ibig sabihin ng kaibigan, bestfriend, boyfriend at pagiging asawa 🙂 ASAWA? oo asawa talaga. basta 😛 lahat yan nakita ko sayo. . SALAMAT. . mahal na mahal kita at hinding hindi ako magsasawa sabihin at iparamdam sayo yan :* PINKY!
o ayan na tapos na, inaantok na ata ako. . almost 8am na. . ang tagal ko din pala nagisip o. . iinom muna ng milo tapos matutulog na. . 🙂 ewan ko talaga. . basta, sobrang epekto ung gayuma ni Janiboy, hehe :))

Lakas mo magpa-kilig. . ♥

Published April 20, 2013 by angelivillegas

image

Oo na, aaminin ko na. . Kinikilig nanaman ako. . Eeeeee kasi wag ka nga. . Nagpapaka-kalma nga ako eh. . Ano baaaa. . Eeeee ano ba, ‘wag mo na pansinin yung todo ngiti ko. . Nagpipigil nga oh. .

Layo-layo ka onte, sa sobrang kilig ko baka matanggal braso mo sa sobrang hampas ko. . Ang matso ko pa naman. . Haha. . ♥

Bibihira ata ang boyfriend na nagpopost ng ganyan sa facebook wall ng girlfriend? Ahihihi. . Sige pakiligin mo pa sarili mo Angel. . ♥ Tignan mo oh, ngumingiti ka mag-isa ng grabehan. .todohan. .

Woohoo. . Nakaka-hyper si boyfie. . Eh ang sarap nya magmahal, lakas makapag-pakilig. . Imba. . Imbang-imba.

Oha. . Lumalabas nanaman pagka-boyish moves ko. . Ang gwapo ko eh. . Haha. . Baliw nanaman. . Tae.

I love you Jan Irvin. Sagad. . ♥

Thank You Lord sa super boyfie blessing :*

Candy Crush

Published April 13, 2013 by angelivillegas

20130413-000218.jpg

Candy Crush.

Parang buhay ng tao. Kailangang magtulungan para matapos ang isang bagay, ang isang misyon.
Sino nga bang mag-aakala na isa lamang itong simpleng laro? Parang buhay ng tao. Hindi ka makakausad kung hindi ka gagawa ng paraan para maging maayos ang buhay mo.
Hindi maaaring titigan lang ang isang bagay tapos maghahangad ka ng magandang resulta. Kailangang paghirapan mo ang isang bagay bago mo ito makuha. Kailangang dumaan sa mga pagsubok para masubukan ang lakas ng loob at tiwala sa nakakataas.

Paano mararamdaman ang ligaya kung hindi ka dadaan sa mga pagsubok? Parang candy crush lang ‘yan. Kung titignan mo akala mo madaling tapusin. Kailangang dumaan ka sa mga matinding pagsubok bago matapos ang isang level. At pag natapos mo ng mabilis, swerte mo. Ikaw na 🙂 Parang sa tunay na buhay, may sineswerte at may hindi rin pinapalad ng ganung kabilis.

Masayang mabuhay, lalo na’t alam mong may mga gagabay sayo. Kailangang gumawa ka lang ng tamang hakbang para maging maganda ang kalabasan. Sa tamang daan kumbaga. May mga ilang pagkakataon lang tayo para magawa ‘yon. Hindi naman unlimited ang buhay natin di ba? Parang sa larong ito. Bibigyan ka lang ng ilang moves sa bawat level at nasasayo na yun kung paano mo magagamit ang tamang diskarte. Sa tunay na buhay? Ganun din. Tamang diskarte ang dapat gawin at hindi sa marahas na paraan.

Maihahalintulad din ito sa buhay ng tao. Hindi ka uusad kung walang tulong ng iba. Pagbibigay ng ticket at life? Mahirap yun kung walang ibang naglalaro nito. At ang masaklap lang dyan eh yung alam na nga na kailangan mo ng tulong, kahit kaya eh hindi ginagawa para lang hindi sila maungusan.

Di ba parang sa totoong buhay lang? Alam mo ba yung crab mentality na tinatawag? ‘Yan yung namumuo ang inggit sa katawan at ayaw nakakakita ng nakakaangat sa kanya. Eh di ba laro lang ito pero bakit ganun? Ayun na nga, sa laro nagagawang maisapuso ang crab mentality sa tunay na buhay pa kaya?

Tawanan na lang natin silang ganyan mag-isip. Basta gawin natin ang kaya natin ng walang natatapakan – matutulog at gigising tayo ng mapayapa. 🙂

** At nagawa ko ito ng dahil sa ilang araw nako sa level 65. Hahaha 🙂 pasensya na. Wala lang ‘yan. 😀

♥♥♥ love, relationship ♥♥♥

Published April 5, 2013 by angelivillegas
angelirvin

angelirvin

 

A strong, healthy relationship can be one of the best supports in your life. Good relationships improve all aspects of your life, strengthening your health, your mind, and your connections with others.

Build a foundation of appreciation and respect. Focus on all the considerate things your love says and does.

Explore each other’s interests so that you have a long list of things to enjoy together. Try new things together to expand mutual interests.

Establish a pattern of apologizing if you make a mistake or hurt your partner’s feelings. Saying “I’m sorry” may be hard in the moment, but it goes a long way towards healing a rift in a relationship. Your partner will trust you more if he or she knows that you will take responsibility for your words and actions.

** Na-ah. This isn’t a couple bracelet. I just love having personalized things. ♥ Honestly, we never wore these. Like, never. It has been kept on his drawer since the day I had it.